After all my struggles these past few weeks until this day, finally Christmas break na!... yahoo! Last day na kasi ngayon ng class namin sa school at bukas ay start na ng Christmas break. Excited talaga kong mag - Christmas vacation ngayon, nakakapagod din kasing mag - aral at sobrang dami rin naming activities so I badly need this break. This week, two days din akong umuwi ng late because of our catering. Hindi tuloy ako nakasama kay mama na magsimbang gabi so she needs to go there by herself. Sayang, hindi ko mabubuo ang 9 days I mean nights pala. 7 p.m. kasi ang simbang gabi dito sa'min sa halip na madaling araw. I don't know why. Siguro dahil hindi kami sa bayan nakatira. Dun kasi located ang simbahan ng Alfonso at chapel lang dito sa Luksuhin. Pero at least may simbang gabi pa rin di ba? I'm really excited for Christmas. Uuwi kasi ang kuya ko with his family. 'Yun nga lang, hindi sila sa bahay magno- noche buena cause he still needs to attend a baptism ceremony kaya gabi pa sila ng 25 makakauwi. Masaya pa rin 'yun. I really miss my brother so o.k. lang kahit anong oras s'ya makarating basta makauwi lang s'ya. Haay! Thank God for all His help on me. I finally survived the pressure and stress.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment