Thursday, April 5, 2007

Holy Week...

Ang tagal ko na palang hindi naa-update 'tong blog ko. Anyway, wala namang bago. It's Holy Week pero parang ordinary day lang naman sa bahay. Medyo less nga lang ang pagkain ng meat ngayon and wala masyadong magandang palabas sa t.v. Haay! Grabe!!! lumalala na ang pagiging Korean addict ko.Pero o.k. lang 'yun, hindi lang naman ako ang nagkakaganito sa mundo. Medyo sumasakit ang ulo ko ngayon pero sige net pa rin. Nakakatamad naman kasi kung nakatunganga ka lang maghapon 'di ba? Mamaya gagawa ako ng fish lumpia... it's fish kasi nga bawal ang masyadong pagkain ng karne ngayon. Hirap din ng bakasyon, walang allowance eh!... hehehe!!! Namimiss ko na rin ang pagkain ng mashed potato at chicken burger meal. At bakit ba kasi napakasakitin ko ngayong bakasyon... haay! O.k. lang 'yan. Kaya pa naman. Namimiss ko na rin si kuya. Kasi naman umuwi s'ya kahapon pero sandali lang kasi dami pa n'yang appointment. Siguro uwi na lang ako ng Manila sometime this April para mas maraming bonding moments.