Finally start na ng summer vacation. Haay! ang dami ko na namang struggles this sem and now eto bakasyon na. Teka! sa pagkakaalam ko eh! may summer class pa ko... hindi pala talaga 'ko magbabakasyon. I only have few weeks tapos pasok na ulit sa school... haay! ang saya talaga ng buhay ko. Walang pahinga. After I said a lot of stupid things about our dance practice eh! eto para pa rin akong praning. I ate up all I said at sumayaw pa rin ako nung Saturday sa Arts Appreciation class namin. Ang galing ko ngang magkalat eh! Well, I have no choice but to do it. Narealize ko kasi na ayokong magkaron ng incomplete na grade so kahit labag sa loob ko na gawin 'yun because of my two left feet and stiff body eh! ginawa ko pa rin but I swear, I'll never want to do that again... never! At matapos 'yun eh! nacorrupt pa ang mga files ko sa thumb drive ko dahil sa virus sa laptop ni Ma'am kaya ayun, ginawa ko ulit 'yung powerpoint presentation ko sa Teaching Strategy which was supposed to be passed on Tuesday. Tapos na sana ko kung hindi nacorrupt 'yung files ko. At dahil nga ginawa ko s'ya for just a day eh! mukha akong adik na racoon kinabukasan pagpasok ko sa school... kulang sa tulog at walang kain... hah! how lucky can I get? Buti na lang at naayos ko rin lahat and I was able to pass all my school work on time. Thank God for that. At kahit hindi masyadong maganda ang araw ko nun eh! may maganda pa ring nangyari sa'kin. I was accepted as a staffer sa Vox, 'yung school paper namin. I'm so happy. After ng maraming rejections na nangyari sa'kin nung high school sa pag - aapply ko sa school paper eh! finally natanggap na rin ako. Ngayon pwede na munang magpahinga ang utak at katawan ko even for just a week or two... yehey!!! After nito eh! pasok na ulit sa 26 para sa meeting sa catering namin then sa 28 sa actual catering day. Tapos enrollment na rin that week for summer class. Hectic na ulit ang sked. Sanay na rin ako. Ganito naman lagi ang buhay ko so I'm already used to it. Nag - eenjoy naman akong mag - aral kahit most of the time eh! nakakapraning ang buhay ko sa school. I'm sure mamimiss ko rin ang pag - aaral after I graduate kaya susulitin ko na habang nag - aaral pa ko. I'll just do my best para naman maging maganda ang grades ko lagi... Aja!!! ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment